^

PSN Palaro

Grizzlies, Blazers nalo rin Nuggets lusot sa Lakers sa OT

Pilipino Star Ngayon

LOS ANGELES – Humataw si Wilson Chandler ng 19 points at nagposte si Ty Lawson ng 18 points at 16 assists para pamunuan ang 101-94 overtime win ng Denver Nuggets laban sa Los Angeles Lakers.

Nagdagdag si Arron Afflalo ng 15 points para sa Nuggets, naipanalo ang lima sa kanilang anim na laro matapos ang 1-6 pa­nimula.

Nalasap ng Lakers, nagmula sa 106-140 ka­bi­guan sa Dallas, ang ka­nilang pang-pitong sunod na pagkatalo sa Nuggets.

Umiskor si Kobe Bryant ng 27 points para pangunahan ang Lakers.

Sa Memphis, humakot si Marc Gasol ng 30 points at 12 rebounds para banderahan ang Grizzlies sa 107-91 panalo laban sa Los Angeles Clippers.

Ito ang ikalawang sunod na laro na naglista si Gasol ng 30 points para sa Grizzlies.

Sa Boston, nagposte si LaMarcus Aldridge ng 20 points at 14 rebounds, habang nagdagdag si reserve Chris Kaman ng 16 points para sa ika-pitong sunod na arangkada ng Portland  Trail Blazers sa 94-88 paggupo sa Celtics.

Nagdagdag si guard Damian Lillard ng 12 points, 9 rebounds at 5 assists para sa Portland, nakahugot din ng 12 markers kay Nicolas Batum.

Mula sa bakbakan sa first half ay kumawala ang Trail Blazers sa kaagahan ng fourth quarter at hindi na nilingon pa ang Celtics.

ARRON AFFLALO

CHRIS KAMAN

DAMIAN LILLARD

DENVER NUGGETS

KOBE BRYANT

LOS ANGELES CLIPPERS

LOS ANGELES LAKERS

POINTS

TRAIL BLAZERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with