Dooley tiwala sa Azkals sa pagbangga ngayon sa Laos
Laro Ngayon
(My Dinh Stadium)
4 p.m. (5 p.m. Manila) Philippines vs Laos
7 p.m. (8 p.m. Manila) Vietnam vs Indonesia
HANOI--Nasiyahan si Azkals coach Thomas Dooley sa nakita niya sa kanyang mga players sa practice sessions bago pakawalan ang 2014 Asean Football Federation (AFF) Suzuki Cup ngayon.
“They’re sharp,” wika ni Dooley bago ang opening match ng Azkals kontra sa Laos sa My Dinh Stadium.
Kasama ang Pilipinas sa Group A na kinabibilangan ng Laos, Indonesia at host Vietnam.
“Laos has a very young team, they’re energized, they’re fast, they’re quick, and they have a tough player up front who can score goals,” sabi ni Dooley.
Kumpiyansa naman si Laos coach David Booth sa tsansa ng kanyang koponan na kumampanya sa nakaraang Asian Games sa Incheon, Korea.
“The Philippines will be wrong to think the game against Laos will be easy. On a good day, a young team like ours can make it difficult for strong teams,” ani Booth.
Ang Azkals ay babanderahan ng mga Manila-based players, kasama rito ang 13 first-timers sa nasabing biennial meet.
Lalabanan naman ng host Vietnam ang Indonesia sa isa pang laro.
- Latest