4 Pinoy muay fighters sa semis
PHUKET, Thailand--May nakikita pang liwanag sa apat na Pinoy muay fighters ang kampanya ng bansa matapos pumasok sa semifinals sa 4th Asian Beach Games kahapon dito.
Inihakbang ni bantamweight Philip Delarmino si Sayed Aslamudin Amanullah ng Afghanistan nang kumunekta ng roundhouse kick sa ulo, may isang minuto at 11-segundo ang nalalabi sa second round habang tinalo naman ni flyweight Manuel Delos Reyes sa puntos si Malaysian Aidil Che Omar, 5-0 sa muay arena sa Patong Central Beach.
Nauna nang umentra sa semis sina middleweight Joel Zaspa at Alvin Berto (60kg) makaraang magwagi sa kani-kanilang laban noong Huwebes ng gabi.
Pumuwesto lamang sa fifth place si Kim Mangrobang sa 10-meter shoot-50m swim-800m run event matapos magsumite ng oras na 22.1 minuto at binalewala naman ni John Chicano ang nananakit na likod para pumuwesto sa No. 6 sa 16 na naglaban-laban sa kanyang oras na 20.22 minutes sa beach modern pentathlon.
- Latest