^

PSN Palaro

Petron ibinaon pa ang Foton

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Naipagpag agad ng Petron Lady Blaze Spikers ang pagkalasap ng unang kabiguan sa pamamagitan ng 25-21, 25-18, 23-25, 25-15, panalo sa Foton Tornadoes sa 2014 Philippine Superliga Grand Prix na handog ng Asics kahapon sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Si Alaina Bergsma ay may 23 kills tungo sa 26 puntos habang si Dindin Santiago ay naghatid ng 10 kills, tatlong blocks at dalawang aces tungo sa 15 puntos.

Ang setter na si Erica Adachi ay may 52 excellent sets bukod sa 13 hits para ibigay sa Petron ang ikapitong panalo matapos ang walong laro sa ligang inorganisa ng Sports Core at suportado ng Air 21, My Phone, Via Mare, Mikasa, Muller Sports Medicine, Healthway Medical, Generika Drugstore, LGR at Jinling Sports bilang technical partners.

“Kailangan namin itong panalo para bumalik ang kumpiyansa namin,” wika ni Petron coach George Pascua.

Lamang pa ang Petron sa kaagahan ng ikatlong set, 14-8, pero lumamya ang kanilang ipinakita para makaisa ang Foton sa 25-23.

Naibalik ng Petron ang bangis sa fourth set para lumapit sa isang laro upang tuluyang selyuhan ang u­nang puwesto sa kababaihan papasok sa semis.

Sina Irina at Elena Tarasova ay mayroong 24 at 14 puntos para sa Foton na nanatili sa huling puwesto sa 2-7 baraha.

CUNETA ASTRODOME

DINDIN SANTIAGO

ELENA TARASOVA

ERICA ADACHI

FOTON

FOTON TORNADOES

GEORGE PASCUA

HEALTHWAY MEDICAL

JINLING SPORTS

PETRON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with