^

PSN Palaro

Life Savers kumapit pa

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Naibalik ng Generika Life Savers ang galing sa ikalima at huling set para ipalasap sa Cignal HD Lady Spikers ang 25-19, 25-20, 20-25, 22-25,15-9, panalo sa 2014 Philippine Superliga Grand Prix na handog ng Asics kahapon sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Si Natalia Kurobkova ay gumawa ng 26 kills, tampok ang tatlong matitinding atake sa huling set na nakatulong para mangi­babaw ang Generika tungo sa paghagip ng ikalimang panalo sa walong laro sa ligang inorganisa ng Sports Core at may suporta pa ng Air 21 My Phone, Via Mare, Mikasa, Mueller Sports Medicine, Healthway Medical, Generika Drugstore, LGR at Jinling Sports bilang technical partners.

Ang mga locals na sina Aby Maraño, Cha Cruz, Stephanie Mercado at Micmic Laborte ay tumapos taglay ang 14,13,11 at 10 puntos, ayon sa pagkakasunod para manatili ang Life Savers sa ikalawang puwesto kasunod ng na­ngu­ngunang Petron Blaze Lady Spikers sa 6-1 karta.

“Sinabihan ko lang sila na maging aktibo uli sa paglalaro. Gawin ang mga maliliit na bagay tulad ng digging at service,” wika ni Generika coach Ramil de Jesus na may apat na dikit na panalo.

Ito ang ikaapat na sunod na pagkatalo ng Cignal para bumaba pa sa 3-5 karta.

Naipakita pa ng HD Spikers ang determinasyon nang bumangon sa 0-2 set score pero naubos sila sa huling set nang naiwanan sa 1-6 iskor.

Si Lindsay Stalzer ay naghatid ng 23 attack points tungo sa 24 puntos para sa Cignal na nalalagay sa alanganin ang paghahabol ng puwesto sa Final Four sa sunud-sunod na kabiguan. (AT)

ABY MARA

CHA CRUZ

CIGNAL

CUNETA ASTRODOME

FINAL FOUR

GENERIKA

GENERIKA LIFE SAVERS

HEALTHWAY MEDICAL

JINLING SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with