^

PSN Palaro

Alaska nakatikim sa Barako Bull

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nasa Barako Bull ang karangalan bilang kopo­nang nagpatikim sa Alaska ng kauna-unahan nitong kabiguan sa 2014-2015 PBA Philippine Cup.

Nakahugot ng maha­halagang puntos kay ve­teran guard Denok Miran­da, ginitla ng dehadong Energy ang Aces, 85-78, kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

Tumapos si Miranda na may 21 points, tampok ang isang krusyal na jumper sa huling 50.1 segundo sa final canto, kasama rito ang 4-for-5 shooting sa three-point range para banderahan ang ikalawang sunod na panalo ng Energy.

Sa kabila ng kabiguan, hawak pa rin ng Alaska ang liderato sa kanilang 6-1 baraha.

Mula sa 20-18 abante sa first period ay pinalobo ng Energy ang kanilang ka­lamangan sa 18 puntos, 49-31, sa halftime.

Pinalaki pa ito ng Barako Bull sa 21-point lead, 54-33, sa 8:42 minuto ng third quarter bago nakadikit ang Alaska sa 67-71 agwat sa 6:42 minuto ng final canto.

Isinalpak ni Miranda ang isang jumper sa huling 50.1 segundo para selyuhan ang panalo ng Energy laban sa Aces.

Barako Bull 85 - Miranda 21, Garcia 18, Pascual 12, Lanete 10, Intal 8, Lastimosa 7, Wilson 6, Hubalde 2, Pennisi 1, Salvador 0, Salva 0, Marcelo 0, Paredes 0.

Alaska 78 - Abueva 16, Manuel 15, Casio 13, Hontiveros 8, Jazul 8, Menk 5, Banchero 4, Exciminiano 4, Baguio 3, Thoss 2, Eman 0, Dela Rosa 0, Bugia 0, Dela Cruz 0.

Quarterscores: 20-18; 49-31; 65-54; 85-78.

ABUEVA

BARAKO BULL

DELA CRUZ

DELA ROSA

DENOK MIRAN

MIRANDA

NASA BARAKO BULL

PHILIPPINE CUP

SMART ARANETA COLISEUM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with