^

PSN Palaro

Lady Chiefs, Lady Stags sumalo sa itaas

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sapat ang ipinakitang lakas ng Arellano University habang kuminang din ang laro ng San Sebastian para makasalo sa liderato sa 90th NCAA volleyball kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Sina Elaine Sagun, Danna Henson, Menchie Tubiera at Cristine Joy Rosario ay nagtala ng tig-walong puntos para pa­ngunahan ang Lady Chiefs sa kanilang ikalawang sunod na panalo sa 25-14, 25-17, 25-16, tagumpay sa Lyceum Lady Pirates.

Nakasalo ang koponan sa pahingang nagdedepensang Perpetual Help Lady Altas at St. Benilde Lady Blazers sa liderato sa women’s division.

Doble-selebrasyon ang nangyari sa Arellano dahil dinurog ng Chiefs ang Pirates, 25-21, 25-20, 25-17, sa men’s division para sa ikalawang dikit na tagumpay at pantayan sa itaas ang Perpetual Help Altas at Emilio Aguinaldo College Generals.

Ang beterana ng Shakey’s V-League na si Gretchel Soltones ay mayroong 15 attacks at apat na aces tungo sa 19 hits para igiya ang multi-titled Lady Stags sa 25-14, 25-20, 25-9, tagumpay sa San Beda Lady Lioness.

Ang Stags ay umukit ng 25-21,25-23, 25-15, panalo sa Lions mula sa pinagsamang 27 hits nina Richard Tolentino at Jahir Ebrahim sa men’s side. (AT)

ANG STAGS

ARELLANO UNIVERSITY

CRISTINE JOY ROSARIO

DANNA HENSON

EMILIO AGUINALDO COLLEGE GENERALS

GRETCHEL SOLTONES

JAHIR EBRAHIM

LADY CHIEFS

LADY STAGS

LYCEUM LADY PIRATES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with