Bilang na ang araw ng mga import sa UAAP
MANILA, Philippines – Bilang na ang araw ng mga foreign players sa University Athletic Association of the Philippines.
Kahapon ay inihayag ni UAAP secretary-treasurer Rodrigo Roque. ang athletic director din ng host school University of the East, ang unti-unti nilang pagtatanggal sa mga foreign athletes.
“Only one foreign player or athlete will be allowed to play. This will apply to all sports events for the 78th UAAP season,” wika ni Roque sa lingguhang PSA sports forum sa Shakey’s sa Malate, Manila.
At sa mga susunod na season ay tuluyan nang isasara ng UAAP ang pintuan sa mga foreign athletes, dagdag ni Roque.
Inaasahang maaapektuhan ng bagong patakaran ng UAAP sa men’s basketball ay ang Natio-nal University Bulldogs na sumandal kay Nigerian import Alfred Aroga sa pang-angkin sa korona ng nakaraang 77th Season laban sa Far Eastern University Tamaraws.
Isinalang naman ng Tamaraws si American Anthony Hargrove para bantayan si Aroga.
Sinabi ni Roque na papayagan ng UAAP ang pag-lalaro ng mga Fil-Foreign athletes sa lahat ng sports events dahil sa pagkakaroon nila ng dugong Pinoy.
“Iyong mga Fil-Foreign, okay tayo dun kasi may dugo naman silang Pinoy eh,” wika ni Roque.
- Latest