Larsson-Cembrano pair naghabol pa ng bronze
PHUKET, Thailand – Binigyan nina Jose Vicente Cembrano at Susan Madelen Larsson ang Pilipinas ng tansong medalya mula sa mixed team event ng cable wakeskate sa 4th Asian Beach Games.
Nanguna ang 24-anyos na si Cembrano sa men’s side sa kanyang 79.33 points, habang ang Filipino-Swedish na si Larsson, nauna nang kumuha ng silver medal sa individual event, ay pumangalawa sa kanyang 78.33 sa heats sa likod ni women’s wakestake champion Tantanasorn Chaiyabood ng Thailand (81.00).
Nagtumpok ang koponan ng 3,802 points para makuha ang bronze medal matapos pumang-apat at pumang-lima sina Samantha Bermudez at Andrea Tanjanco sa women’s heats kasunod sina Angelo Linao at Paul Cantos.
“Our opponents here are well-trained. I know we can win in this event but we must work harder than them,’’ sabi ni Cembrano, kumuha rin ng bronze sa men’s individual cable wakeskate noong Lunes.
Inangkin ng Thailand ang gold sa kanilang 5,341 points at sinikwat ng Korea ang silver sa itinalang 5,079 points.
Sa kabuuan, kumuha ang mga Filipino cable wake skaters ng 1 silver at 2 bronze medals sa nasabing event.
- Latest