^

PSN Palaro

Perpetual teams asam ang 2-0 marka

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Ang pangalawang dikit na panalo ang hanap ng nagdedepensang Perpe­tual Help sa pagpapatuloy nga­yon ng 90th NCAA volleyball sa The Arena sa San Juan City.

Kalaro ng Altas at Lady Altas ang panlaban ng Mapua sa unang laro sa anim na larong nakahanay sa liga.

Ang Altas ay galing sa 25-19, 25-14, 25-20 panalo laban sa Jose Rizal University Bombers, habang mas pinawisan nang kaunti ang Lady Altas dahil sa 22-25, 25-18, 25-20, 25-19 panalo nila sa Lady Bombers sa mga unang la­ro.

Paborito ang dalawang nagdedepensang kampeon dahil kapwa talunan ang mga koponan ng Mapua sa kamay ng Arellano sa unang laro.

Sina Ma. Lourdes Cle­mente, Ana James Dio­careza, Jamela Suyat at Cindy Imbo ang mga mag­tutulung-tulong muli para sa Lady Altas, habang sina Neil Barry Ytorzaita, Rey Ta­neo at Bonjomar Castel ang mga kakamada para sa Altas.

Sunod na laro ay ang St. Benilde kontra Emilio Aguinaldo College at Jose Rizal at laban sa Letran.

Parehong galing sa ma­garang panalo ang mga ko­ponan ng St. Benilde at EAC kaya’t inaasahang ma­giging balikatan ang ka­nilang tagisan.

Mag-uuna­han naman sa pagba­ngon mula sa ka­biguan ang mangyayari sa pagtu­tuos ng JRU at Letran sa mag­kabilang dibisyon.

ALTAS

ANA JAMES DIO

ANG ALTAS

BONJOMAR CASTEL

CINDY IMBO

EMILIO AGUINALDO COLLEGE

LADY ALTAS

SHY

ST. BENILDE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with