^

PSN Palaro

8 nominado para sa Gilas coach, pasok sa criteria

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - May walong perso­na­­lidad ang inaasahang ma­papa­bilang sa ‘short list’ ng mga kandidato para sa Gilas head coaching job.

Ito ay dahil ang walong posibleng nominado ay pasok sa kriterya na inaasahang aaprubahan ni SBP president Manny V. Pangilinan anumang araw.

Ang mga maaaring ma­ging kandidato ay sina Eric Altamirano, Tab Baldwin, Norman Black, Tim Cone, Yeng Guiao, Robert Jaworski, Franz Pumaren at Joseph Uichico.

Hindi ibinunyag ng Com­mittee kung ano ang nilala­man ng kriterya ngunit ang pagkakaroon ng isang no­minado ng international experience ang prayoridad.

Ang kriterya ay isinumite kay Pangilinan isang araw matapos magpulong ang Selection Committee na binubuo nina SBP vice chairman Ricky Vargas, PBA chairman Patrick Gregorio, PBA vice chairman Robert Non, PBA commissioner Chito Salud at SBP executive director Sonny Barrios sa loob ng 2 1/2 oras noong Martes sa Quezon City restaurant.

Ang walo ay parehong may mga eksperyensa sa national team.

Ang 48-anyos na si Altamirano ang naghatid sa NU sa UAAP senior men’s title ngayong taon at may dalawang PBA crowns.

Pinamunuan niya ang national team sa FIBA  Asia U16 Championships sa Malaysia noong 2009.

Dinala naman ng 56-anyos na si Baldwin ang New Zealand sa FIBA World Cup semis noong 2002 at ang Jordan sa se­cond place sa FIBA Asia Championships noong 2011.

Ang 57-anyos na si Black, isang PBA Grand Slam champion coach, ang namahala sa Philippine team sa 1994 Hiroshima Asian Games, habang ang 56-anyos na si Cone, isang two-time PBA Grand Slam champion coach, ang naghatid sa Philippines sa Jones Cup title noong 1998 at sa bronze medal noong 1998 Bangkok Asian Games.

Ang 55-anyos na si Guiao, may anim na PBA titles, ang mentor ng Phl team sa FIBA Asia Championships noong 2009.

Tinulungan naman ng 68-anyos na si Jaworski ang bansa sa pag-angkin sa silver medal sa 1990 Beijing Asian Games.

Ang 50-anyos na si Pumaren, isang multi-titled UAAP champion coach sa La Salle, ang naging bench tactician ng bansa sa FIBA Asia U18 Championships sa Iran noong 2008 at ang 52-anyos na si Uichico ang  gumiya sa koponan sa fourth place sa 2002 Busan Asian Games.

Ayon sa source, ang su­sunod na hakbang ng ko­mite ay ang pagtatala ng listahan ng mga coa­ching candidates base sa kriterya na aaprubahan ni Pangilinan.

 Hindi tinalakay ng Selection Committee kung magkakaroon ng bagong pool ng mga Gilas players.

Lalahukan ng SBP sa susunod na taon ang FIBA Asia Championships sa China sa Agosto kung saan ang mananalo ang kakatawan sa Asia sa 12-team basketball event ng 2016 Rio de Janeiro Olympics.

ANYOS

ASIA CHAMPIONSHIPS

BANGKOK ASIAN GAMES

BEIJING ASIAN GAMES

GRAND SLAM

NOONG

PANGILINAN

SELECTION COMMITTEE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with