^

PSN Palaro

Mayban Petron pupuwesto na sa semis

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Iuusad ng Petron Lady Blaze Spikers ang isang paa tungo sa semifinals ng 2014 Philippine Superliga Grand Prix na handog ng Asics sakaling manaig uli sa Cignal HD Lady Spikers ngayong hapon sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

 Sa ganap na alas-2 ng hapon magsisimula ang tagisan at ang Petron ay magtatangka ng kanilang ikaanim na sunod na panalo na maglalapit sa isa pang panalo para tumatag ang paghahabol  ng titulo sa ligang inorganisa ng Sports Core katuwang ang Air 21, My Phone, Via Mare, Mikasa, Mueller Sports Medicine, Healthway Medical, Generika Drugstore, LGR at Jinling Sports bilang technical partners.

Patatatagin pa ng Generika Life Savers ang kapit sa mahalagang ikaapat na puwesto sa pakikipagtagisan sa inspiradong Foton Tornadoes sa ikalawang laro dakong alas-4 habang pagtatangkaan ng Cignal ang sweep sa first round sa men’s division kontra sa PLDT-Air Force dakong alas-6 ng gabi.

Tinalo ng Petron ang Cignal sa straight sets sa unang pagkikita at hindi mal­ayong makadalawa sila dahil sa husay ng mga imports na sina Alaina Bergsma at Erica Adachi bukod pa kina Dindin Santiago at Carmina Aganon na hindi nakasama sa huling laro.

May 3-2 karta ang Cignal at dapat na maitaas ang morale ng koponan matapos lumasap ng di-inaasahang straight sets pagkatalo sa kamay ng Generika sa huling asignatura para makatabla sa ikalawang puwesto ang pahingang RC Cola-Air Force Raiders.

AIR FORCE

ALAINA BERGSMA

CARMINA AGANON

CIGNAL

COLA-AIR FORCE RAIDERS

CUNETA ASTRODOME

DINDIN SANTIAGO

ERICA ADACHI

FOTON TORNADOES

GENERIKA LIFE SAVERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with