SMART national age group taekwondo tourney kasado na
MANILA, Philippines - Handa na ang sipaan ng mga matitikas na taekwondo jins sa Nobyembre 15 at 16 sa 2014 SMART National Age Group Taekwondo Championships sa Ninoy Aquino Stadium.
Nasa 1,200 fighters ang inaasahang sasali sa kompetisyong inorganisa ng Philippine Taekwondo Association at suportado ng SMART Communications Inc., MVP Sports Foundation, PLDT, Meralco, TV5, Milo at Philippine Sports Commission.
“Even boys and girls as young as four years old participate in the annual tourney which also provides must support to the national grassroots program,” wika ni Organizing Committee chairman na si Sung Chon Hong.
Sa alas-9 ng umaga magsisimula ang mga elimination matches habang ang opening ceremony ay gagawin dakong ala-1 ng hapon kinabukasan.
Ang mga kasapi ng Philippine Taekwondo Demonstration Team ay magpapalabas sa opening day.
Para mabawasan ang human error sa pagpuntos, gagamitin ang PSS (protective scoring system), ESS (electronic scoring system) at Daedo PSS at IVR (instant video replay).
Tatlong dibisyon ang paglalabanan at ito ay ang junior men at women (15-to-17), Cadet boys and girls (12-14) at Grade School boys and girls (11-and-below).
- Latest