^

PSN Palaro

Giants, Bakers maghihiwalay

Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon

(Ynares Arena, Pasig City)

12 nn Tanduay Light

vs Bread Story-LPU

2 p.m. Café France

vs Jumbo Plastic

4 p.m.  Cebuana Lhuillier vs Cagayan Valley

 

MANILA, Philippines - Magkakasukatan ang Jumbo Plastic at Café France sa tagisan ng dalawang wala pang talong koponan sa pagpapatuloy ng PBA D-League Aspirants’ Cup ngayon sa Ynares Sports  Arena sa Pasig City.

Sa ganap na alas-2 ng  hapon magsisimula ang labanan at ang mananalo ay magkakaroon ng pagka­kataon na saluhan ang nag­sosolo sa itaas ng team standings na Hapee (3-0).

Babangon angTanduay Light sa pagkakapahiya sa huling asignatura sa pag­harap sa Bread Story-Lyceum sa unang laro sa sa-12 ng tanghali habang pupuntiryahin din ng Caga­yan Valley ang ikatlong dikit na panalo kontra sa Cebuana Lhuilliier sa hu­ling laro sa alas-4.

Galing ang Bakers mula sa 86-59 at 67-56 panalo sa MP Hotel Warriors at Racal Motors pero hindi pa rin kumbinsido si coach Edgar Macaraya na palaban ang kanyang koponan sa ligang kinatatampukan ng 12 teams.

“On-and-off pa rin. Ma­lalaman ang lakas ng team kapag nakabangga na ang mga elite teams,” wika ni Macaraya.

Ang Giants ay isa sa mga palaban matapos umabot sa semifinals sa huling conference.

Maganda rin ang ka­nilang panimula matapos kalusin ang Bread Story-Lyceum (79-74) at Cebuana Lhuillier, 63-61. (ATan)

ANG GIANTS

BREAD STORY

BREAD STORY-LYCEUM

CAGAYAN VALLEY

CEBUANA LHUILLIER

CEBUANA LHUILLIIER

JUMBO PLASTIC

PASIG CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with