^

PSN Palaro

Sa pagsagupa sa Lady Bombers, bagong puwersa ibabala ng Lady Altas

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Ipapakita ng Perpe­tual Help Lady Altas ang bagong puwersa laban sa Jose Rizal Lady Bombers sa pagsisimula ngayon ng 90th NCAA volleyball sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Hanap ng Lady Altas ang ikaapat na sunod na titulo pero hindi na nila makakasama ang mahu­husay at dating MVPs na sina Honey Royse Tubino at Norie Jane Diaz dahil natapos na sila sa kanilang  pag-aaral.

Pero kumbinsido si Perpetual coach Sammy Acaylar na sapat ang nakuhang karanasan ng ibang naiwan at ang pagpasok ng mga baguhan pero mahuhusay na manlalaro para maging palaban sa liga.

“Ang championship experience at mindset ng mga players ang magda­dala sa team,” pahayag ni Acaylar.

Pangalawang laro ito at mauunang magsukatan ay ang Arellano Lady Chiefs at Mapua Lady Cardinals na  magsisimula matapos ang opening ceremony.

Ang iba pang laro ay sa hanay ng St. Benilde Lady Blazers at Letran Lady Knights, San Sebastian Lady Stags kontra Lyceum Lady Pirates at San Beda Lioness laban sa Emilio Aguinaldo Lady Generals.

Bukod sa Perpetual, hinuhulaang palaban sa kampeonato ang Arellano at ang multi-titled San Sebastian.

Si Shakey’s V-League chairman Mauricio “Mo­ying” Martelino ang siyang inimbitahan para maging panauhing tagapagsalita ng organizers na pinamumunuan ni Peter Cayco ng Arellano.

Ang men’s division ang magsisimula bukas at bubuksan ng Altas ang kampanya sa sixth-peat kontra sa  Bombers.

ARELLANO

ARELLANO LADY CHIEFS

EMILIO AGUINALDO LADY GENERALS

HELP LADY ALTAS

HONEY ROYSE TUBINO

JOSE RIZAL LADY BOMBERS

LADY

LADY ALTAS

LETRAN LADY KNIGHTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with