^

PSN Palaro

Rivera, Del Rosario lumakas pa ang tsansa

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nananatiling palaban ang mga Pambansang  bow­­lers na sina Liza del Rosario at Biboy Rivera sa 50th Qubica AMF World Cup nang umabante sa quarterfinals noong Sabado sa Sky Bowling Center sa Wroclaw, Poland.

Ang dating world champion sa trios event na si Del Rosario ay tumapos sa pang-apat sa kababaihan habang ang dating world FIQ champion na si Rivera ay nalagay sa ikalimang puwesto sa kalalakihan.

Nagtala si Del Rosario ng 6151 pinfalls matapos ang 28 laro para sa 219.68 average para sundan sina Clara Juliana Guerrero ng Colombia (6225), Li Jan Sin ng Malaysia (6213) at Brittni Hamilton ng USA (6167).

Sa kabilang banda, si Rivera na nasa ikatlong pagkakataon na makasali sa kompetisyong ito ay nagkaroon ng 6461 para sa 230.75 average.

Nangunguna sa kalalakihan si Tobias Bording ng Germany sa 6758 habang sina Magnus Johnson Jr. ng Sweden (6758), Chris Barnes ng US (6506) at Glen Loader ng Australia (6468) ang mga nasa ikalawa hanggang ikaapat na puwesto.

Ang mga umabante ay sasalang uli sa isang round robin at ang makukuhang panalo ay may bonus points na 30 at ang tabla ay may 15 puntos para madetermina ang unang tatlong manlalaro na siyang maglalaban-la­ban sa kampeonato.

BIBOY RIVERA

BRITTNI HAMILTON

CHRIS BARNES

CLARA JULIANA GUERRERO

DEL ROSARIO

GLEN LOADER

LI JAN SIN

MAGNUS JOHNSON JR.

RIVERA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
14 hours ago
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with