^

PSN Palaro

Vitaliano, Eala may tiket na sa semis

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagmartsa sa semifinals sina top seed Miles Vitaliano at second seed Alexandra Eala sa 12-under girls division ng 33rd Philippine Columbian Association (PCA) Open na inihandog ng Cebuana Lhuillier at Metro Global Holdings kahapon sa PCA indoor shell clay courts sa Paco, Manila.

Ito ay matapos talunin ni Vitaliano si Justine Hannah Maneja, 6-0, 6-0, at igupo ni Eala si Justine Red Ballado sa bisa ng 6-1, 6-0 panalo.

Umabante rin sa semis sina No. 3 Denise Bernar­do at No. 4 Lourdes Pe na namayani kina Julia Ig­nacio, 6-1, 6-0, at Gaby Zoleta, 7-5, 6-1, ayon sa pagkakasunod.

Maglalaban sina Vita­liano at Pe sa semis, habang magtatapat sina Eala at Bernardo sa torneong suportado ng Dunlop, Fujidenzo/Whirlpool, Babolat, Hon. Emmanuel “Manny” Pacquiao, Head, Accel, Malate Bayview Mansion, Coca-Cola Bottlers Phils. Inc., Philippine Prudential Life Insurance Company Inc. at Seno Hardware.

Nagtala naman ng da­lawang sunod na panalo sina No. 1 Marcen Angelo Gonzales at No. 6 Joshua Cano para matiyak ang tiket sa semis ng boys’ 18-under event.

Binigo ni Gonzales si John Jennete Arandia, 6-1, 6-0, kasunod ang pagpa­patalsik kay No. 8 Kyle Parpan, 6-0, 6-4.

Nanalo naman si Cano kay John Karl Bayot, 6-0, 6-0, bago pinayuko ang ka­nyang kapatid na si Jose Nicholas, 6-4, 6-3.

Maglalaban sina Gonzales at Cano sa semis ng event na suportado rin ng United Auctioneers Inc. Foton, Philippine Sports Commission at GMA 7.

ALEXANDRA EALA

CANO

CEBUANA LHUILLIER

COCA-COLA BOTTLERS PHILS

DENISE BERNAR

EALA

GABY ZOLETA

GONZALES

JOHN JENNETE ARANDIA

JOHN KARL BAYOT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with