^

PSN Palaro

Cignal kakapit pa sa solo 2nd vs Foton (Cuneta Astrodome)

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Patatatagin ng Cignal HD Spikers ang paghawak sa ikalawang puwesto habang ikalawang sunod na panalo ang nais ng Mane ‘N Tail sa pagpapatuloy ngayon ng 2014 Philippine Superliga Grand Prix na handog ng Asics sa Cuneta Astrodome, Pasay City.

Ang HD Spikers ay sa­sagupa sa walang pa­nalong Foton Tornadoes sa ikalawang laro na mag­si­simula matapos ang ta­gisan ng Lady Stallions at RC Cola-Air Force Rai­ders sa alas-2 ng hapon.

Rambulan sa unang pa­nalo matapos madiskaril sa unang laro ang ma­gaganap sa Cavite at Maybank sa kalalakihan  na mapapanood  sa alas-6 ng gabi.

Winakasan ng Mane ‘N Tail ang dalawang dikit na pagkatalo sa ligang inorganisa ng Sports Core at suportado ng Air21, My Phone, Via Mare, Mikasa, Mueller Sports Medicine, Healthway, Generika Drugstore, LGR at Jinling Sports bilang technical partners, gamit ang 25-22, 17-25, 22-25, 25-18, 15-8, panalo kontra sa Foton.

Mas mabigat na kalaban ang Raiders na gusto ring bumangon mula sa 30-28, 23-25, 16-25, 19-25, pagkatalo sa Petron Lady Blaze Spikers.

Ngunit asahan na palaban pa ang Tornadoes dahil sa galing ng import na si Kristy Jaeckel na sa nakuhang unang panalo ay nagpasabog ng 40 puntos mula sa 32 kills at tig-apat na blocks at aces.

Naputol ang two-game winning streak ng Cignal nang bumulagta sa Petron sa straight sets, 17-25, 20-25, 23-25.

Naniniwala si HD Spi­kers coach Sammy Acaylar na natauhan ang kanyang manlalaro at mas pagtutuunan ng isip ang bawat laro matapos mapahiya sa Lady Blaze Spikers na hindi pa natatalo matapos ang apat na laro.

 

CIGNAL

COLA-AIR FORCE RAI

CUNETA ASTRODOME

FOTON TORNADOES

JINLING SPORTS

KRISTY JAECKEL

LADY BLAZE SPIKERS

N TAIL

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with