^

PSN Palaro

Roach ninenerbyos - Algieri

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kilala si Freddie Roach, ang chief trainer ni Manny Pacquiao, sa pagpapatutsada sa kalaban ng Filipino world eight-division champion habang papalapit ang laban.

Sa nakaraang pa­na­yam sa kanya ay iginiit ni Freddie Roach na mas magaling ang mga sparring partners ni Pacquiao kesa kay American challenger Chris Algieri.

Ang mga nakakasabay ni Pacquiao sa sparring ay ang mga matatangkad at malalakas na sina Stan Martyniouk, Mike Jones at Viktor Postol, minsan nang napadugo ang ilong ng Sarangani Congressman sa isa nilang sparring session sa General Santos City.

Ayon kay Algieri, ang na­turang patutsada sa kan­ya ni Roach ay paraan lamang ng five-time Trainer of the Year para maitago ang takot nito sa American fighter.

“He’s nervous,” sabi ni Algieri kay Roach sa pa­nayam ng Hustleboss.com. “Simple as that. He’s acting out of character because he’s nervous.”

Wala namang prediks­yon ang 35-anyos na si Pac­quiao, itataya ang kanyang suot na World Bo­xing Organization (WBO) welterweight crown, kundi   gagawin niya ang lahat para manalo sa 30-anyos na si Algieri.

Sa kanilang laban ng 5-foot-6 na si Pacquiao sa Nobyembre 23 sa The Venetian sa Macau, China ay inaasahang gagamitin nang husto ng 5’10 na si Algieri ang kanyang height at reach advantage.

Habang nalalapit ang araw ng kanilang banggaan ay lalong nasasabik si Algieri, ang bagong WBO light welterweight titlist.

“It comes. I feel the focus and intensity increasing and that’s just how it goes in training camp. A little more eyes on the prize. The training gets more focused. You have no choice,” wika pa ni Algieri.

ALGIERI

CHRIS ALGIERI

FREDDIE ROACH

GENERAL SANTOS CITY

MIKE JONES

PACQUIAO

SARANGANI CONGRESSMAN

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with