^

PSN Palaro

PLDT, FEU Spikers lumapit sa 3rd place

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Lumapit ang PLDT Home Telpad Power Boos­ters at FEU Tamaraws sa isang panalo para okupahan ang ikatlong puwesto sa Shakey’s V-League Season 11 Third Conference kahapon sa The Arena sa San Juan City

Tinalo ng PLDT ang Meralco sa limang  sets, 25-21, 21-25, 20-25, 25-20, 15-11,  sa women’s division habang namayani ang FEU sa RTU, 30-28, 21-25, 25-16, 25-23, sa men’s division tungo sa mahalagang 1-0 kalamangan sa best-of-three series sa ligang inorganisa ng Sports Vision at handog ng Shakey’s.

Gumawa ng 19 kills tungo sa 21 puntos si Sue Roces at siya ang nagpa­kawala ng matitinding kills sa ikalimang sets para maisantabi ang naunang malakas na panimula ng Power Spikers.

Itinabla ni Roces ang laro sa 5-5 bago naki­pagtulungan kay Gretchel Soltones para kunin ang 12-9 kalamangan.

Idinikit ng Meralco ang iskor sa isang puntos, 12-11 sa atake ni Maureen Penetrante-Ouano pero naroroon uli si Roces bago nagtala ng attack error si Thai import Wanida Ko­truang tungo sa match point. Natapos ang laro sa service ace ni Angela Benting.

Tumipa si Soltones ng 23 puntos, mula sa 20 kills at tatlong blocks, at may 12 digs pa habang sina Laurence Ann Latigay at Ben­ting ay nagsanib sa 16 hits.

Ang liberong si Lizlee Ann Pantone ay may 27 digs at may 14 excellent receptions.

Namuno sa Meralco si Aby Maraño sa kanyang 20 hits habang si Kotruang ay gumawa ng 16 kills tungo sa 18 hits. Ngunit inatake ng cramps si Kotruang at hindi na nakatulong sa huling set para manati­ling walang panalo ang Power Spikers matapos ang pitong laro sa ligang suportado rin ng Accel at Mikasa.

Nagtrabaho ang mga inaasahang manlalaro ng Tamaraws na sina Greg Dolor, Joshua Barrca, Jeric Gacutan at Lucky Margante upang maisantabi ang hamon ng Blue Thunders.

Sina Dolor at Barrica ay may tig-18 hits at nasama sa 31 kills para bigyan ang FEU ng 54-43 kalamangan sa nasabing departamento.

May 12 puntos si  Gacu­ tan, 10 ang naihatid ni Margante habang si Franco Camcam na naglaro lamang sa ikatlo at ikaapat na sets ay may 9 puntos, tatlo rito ay aces para tulungan ang FEU sa 9-2 bentahe sa serve.

ABY MARA

ANGELA BENTING

BLUE THUNDERS

FRANCO CAMCAM

GREG DOLOR

GRETCHEL SOLTONES

HOME TELPAD POWER BOOS

MERALCO

POWER SPIKERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with