^

PSN Palaro

Chongson pinagmulta ng PBA

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tinawag na ‘reckless and unsubstantiated’, nagdesisyon si PBA Commissioner Chito Salud na patawan ng P150,000.00 multa at one game suspension si Tanduay Light coach Lawrence Chongson matapos ang maiinit na pahayag na binitiwan laban sa PBA D-League.

Ipinatawag ni Salud si Chongson sa kanyang tanggapan kahapon para pagpaliwanagin ang aku­sasyon na pinahihintulutan ng liga ang pagkakaroon ng isang koponan na sobra ang lakas para paglabanan na lamang ng ibang kasapi ang pangalawang puwesto.

Tinukoy ni Chongson ang Hapee Toothpaste na nakakuha ng ganitong pabor at inakusahan na ang multi-titled team ay pinata-takbo ng grupo ng sportsman at negosyanteng si Manny V. Pangilinan.

Ang Hapee ang pumalit sa six-time D-League champion NLEX Road Warriors na umakyat na sa PBA.

Napatunayan ni Salud na walang basehan ang mga akusasyon ni Chongson dahilan para igawad ang kaparusahan.

Wala pa namang reak­­syon si Chongson sa kaparusahan dahil wala pa siyang nakukuhang komunikasyon sa PBA.

“Hindi ko alam iyan dahil noong umalis ako ay wala namang sinabi sa akin. Pero expected ko na may kaparusahan ako pero hindi ganyan kalaki ang multa,” wika ni Chongson.

Ang Tanduay ay nawalan ng dalawang mabibigat na manlalaro para sa conference na ito dahil ang second pick overall sa rookie draft na si Chris Newsome ay nawala nang hindi nabigyan ng offer sa loob ng takdang panahon.

Si Mac Belo na naka­kontrata sa koponan hanggang Mayo 2015 ay nagdesisyon na maglaro na lamang sa MJM M-Builders-FEU sa liga.

Isinuot ni Belo ang uniporme ng bagong  koponan noong Lunes laban sa Tanduay na pinalad naman na nanalo sa 78-77 iskor.

Naunang sinabi ni Chongson na dudulog sila sa korte para ipaglaban ang karapatan bagay na hindi na rin gagawin ng Rhum Masters.

“As per marching order ni boss Bong Tan, move on na kami. May request lang (Tan) sa M-Builders/FEU na magpaalam sa kanya ng maayos. Ayaw ko na rin ipagpilitan pa sa isang player ang kanyang obligasyon. It’s not worth it,” pahayag pa ni Chongson.

ANG HAPEE

ANG TANDUAY

BONG TAN

CHONGSON

CHRIS NEWSOME

COMMISSIONER CHITO SALUD

D-LEAGUE

HAPEE TOOTHPASTE

LAWRENCE CHONGSON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with