Mindanao netters umusad sa 2nd round
MANILA, Philippines – Nagparamdam ng lakas ang mga Mindanao bets na sina seventh seed Minette April Bentillo at No. 12 Prince Najeeb Langitao nang sibakin ang kani-kanilang kalaban para umabante sa second round ng10-under unisex ng 33rd Philippine Columbian Association (PCA) Open na inihandog ng Cebuana Lhuillier at Metro Global Holdings kahapon sa PCA indoor shell clay courts sa Paco, Manila.
Pinagbakasyon ng tubong Sultan Kudarat na si Bentillo si Andre Garcia, 4-0, 4-0, habang nakalusot naman ang Marawi City standout na si Langitao kay Juan Rafael Mendoza, 4-1, 4-1.
Ang panalo ay nagtakda kay Bentillo na sagupain si Joaquin de Leon, nanalo kay April Chrislie Bautista, 4-0, 4-0 sa susunod na round, habang makikipagpaluan naman si Langitao kay Christine Bautista na dinispatsa naman si Mim Burahan, 5-3, 5-2.
Ang iba pang umabante sa 2nd round ay sina James Cruz, Jude Hidalgo, Shant Raven Naguit, Pete Andre Rodriguez at Sherwin Naguit sa torneong suportado ng Dunlop, Fujidenzo/Whirlpool, Babolat, Head, Accel, Malate Bayview Mansion, Coca-Cola Bottlers Phils. Inc., Philippine Prudential Life Insurance Company Inc., Seno Hardware at ni Hon. Emmanuel “Manny” Pacquiao.
Walang kahirap-hirap na umentra sa 2nd round sina Balmes at De Castro via walkover sa event na suportado rin ng Standard Insurance, United Auctioneers Inc. Foton, Philippine Sports Commission, TLH Sports & Wellness Center/Solinco, Avida Land Corporation, Stronghold Insurance, Ryobi MHI at GMA 7.
- Latest