Pacman kumbinsidong mananalo kay Chris
GENERAL SANTOS CITY, Philippines--Tinanggihan ni WBO welterweight champion Manny Pacquiao ang pagbibigay ng prediksyon ukol sa isang knockout victory laban kay unbeaten challenger Chris Algieri sa kanilang 12-round title bout sa Nobyembre 22 sa Cotai Arena sa Venetian Resort Macau.
Ngunit sinabi ni Pacquiao na pakay niya ang isang kumbinsidong panalo laban kay Algieri.
“I’m not predicting a knockout only that I want to win convincingly,” wika ni Pacquiao matapos ang kanyang workout kasama ang 9 rounds na sparring sa kanyang tatlong sparmates, 2 rounds sa speedball, 3 rounds sa heavy bag, 8 rounds sa mitts, 10 minute sa jump rope, 3 rounds na shadow boxing at halos 30 minutong abs drills at skipping steps sa ilalim ni conditioning coach Justin Fortune.
Habang hindi binabalewala ni Pacquiao ang kakayahan ni Algieri, ipinaramdam niya ang isang negosasyon para sa susunod niyang laban sa 2015.
Nang tanungin kung ito ay para sa kanilang showdown ni Floyd Mayweather, Jr., hindi sumagot si Pacquiao.
“I don’t want to bring up Floyd’s name because he might think I’m using him to market my fight against Algieri,” sabi ni Pacquiao. “After the Algieri fight, then we can talk about Floyd or any other fighter. At the moment, my main and only focus is Algieri.” (QHenson)
- Latest