Murray umabante sa quarters ng Paris Masters
PARIS -- Sumikwat si Andy Murray ng tiket sa quarterfinal round ng Paris Masters matapos talunin si Grigor Dimitrov via straight sets, 6-3, 6-3.
Matapos ang pagpapalit niya ng coach at makabangon mula sa isang back injury, kumuha si Murray ng puwesto sa season-ending tournament.
Bago lisanin ang court ay nagsulat si Murray ng ‘’bad year’’ sa isang camera lens.
‘’It wasn’t a jibe (at critics), it’s a bit of fun,’’ sabi ni Murray sa kanyang autograph. ‘’I mean, people are going to ask me all the time why I’ve had such a poor year by my standards. You’re allowed sometimes to say something in response to that. I don’t tend to do that often, but, look, it’s been a hard year, a tough year, but it hasn’t been a bad year.’’
Umabante si Murray, nalaglag sa No. 12 sa rankings mula sa pagiging No. 4, sa semifinals ng French Open at nabigong maidepensa ang kanyang Wimbledon crown.
Nagbalik siya noong Nobyembre ng 2013 para maghari sa Shenzhen Open sa China.
Nakipaghiwalay siya kay coach Ivan Lendl noong Marso at ipinalit si Amelie Mauresmo.
Makakatapat ni Murray sa quarterfinals si top-ranked Novak Djokovic, tinalo si Gael Monfils para sa kanyang 6-3, 7-6 (2) tagumpay.
Tinalo ni second-seeded Roger Federer si Lucas Pouille 6-4, 6-4.
- Latest