^

PSN Palaro

Taekwondo nagpasaklolo sa POC

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hiningi ng Philippine Taekwondo Association (PTA) ang tulong ng Philippine Olympic Committee  (POC) para pigilan ang plano ng Singapore SEA Games Organizing Committee na bawasan ang bilang ng weight divisions na paglalabanan sa 2015 SEA Games.

Si PTA secretary ge­neral Monsour del Rosario ang siyang naghayag ng problema sa isinagawang POC General Assembly kahapon sa Wack Wack Golf and Country Club dahil malaki ang magiging epekto nito sa hangaring pagsungkit ng medalya ng Pilipinas sa nasabing kompetisyon.

Mula sa dating tig-anim na weight classes sa kalalakihan at kababaihan, nagpasabi ang Singapore organizers na babawasan pa nila ito ng tatlo para magkaroon lamang ng tig-tatlong weight divisions sa magkabilang panig.

Ang Singapore rin ang mamimili kung ano ang weight divisions na paglalabanan.

Sinabi pa ni Del Rosario na mula pa noong 1987 SEAG ay 12 ang weight divisions na ang pinaglalabanan kaya’t kagulat-gulat ang aksyon na ito ng host country.

Bukod sa taekwondo, ang judo ay binawasan din ng weight classes habang ang sanda sa wushu ay naging dalawa na lamang mula sa dating pito.

Tumapos ang Pilipinas sa pinakamasamang ikapitong puwesto sa Myanmar SEAG noong 2013 bitbit ang 29 ginto, 34 pilak at 38 bronze medals. (ATan)

ANG SINGAPORE

BUKOD

DEL ROSARIO

GAMES ORGANIZING COMMITTEE

GENERAL ASSEMBLY

PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE

PHILIPPINE TAEKWONDO ASSOCIATION

PILIPINAS

WACK WACK GOLF AND COUNTRY CLUB

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with