^

PSN Palaro

Pacquiao sumabak agad sa 9 rounds na sparring

RCadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Matapos ang kanyang three-day visit sa Hong Kong ay kaagad sumabak si Manny Pacquiao sa siyam na rounds ng sparring sa kanyang tatlong sparmates sa Wild Card Pacman Gym sa General Santos City kahapon.

Muling nakipagsabayan si Pacquiao (56-5-3, 38 KOs) kina 5-foot-11 Viktor Postol (26-0-0, 11 KOs), 5’9 Mike Jones (26-2-0, 19 KOs) at 5’10  Stan “The Man” Marty­niouk (13-2-0, 2 KOs).

Sinabi ng Filipino world eight-division champion na handang-handa na siyang sagupain si Chris Algieri (20-0-0, 8 KOs) sa Nobyembre 22 sa The Venetian sa Macau, China.

Nauna nang sinabi ni chief trainer Freddie Roach na malalaking sparmates ang kanyang kinuha para sa paghahanda ng 5-foot-6 na si Pacquiao sa 5’10 na si Algieri.

Aminado si Pacquiao, idedepensa ang kanyang suot na World Boxing Or­ganization (WBO) welter­weight crown, na may height at reach advantage sa kanya si Algieri.

“Chris Algieri poses many puzzles for me to solve. In terms of his height and reach, only Antonio Margarito surpasses him in the scope of opponents I have faced,” ani Pacquiao sa panayam ng ESPN.com.

Sa kabila ng pagiging 5’11 ni Margarito ay binugbog pa rin siya ni Pacquiao para kunin ang bakanteng World Boxing Council (WBC) light middleweight crown noong Nobyembre 13, 2010.

ALGIERI

ANTONIO MARGARITO

CHRIS ALGIERI

FREDDIE ROACH

GENERAL SANTOS CITY

HONG KONG

MIKE JONES

NOBYEMBRE

PACQUIAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with