Algieri kayang patumbahin si Pacquiao – trainer
MANILA, Philippines – Hindi malabong mapatumba ng wala pang talong si Chris Algieri ang eight-division champion Manny Pacquiao, ayon sa trainer ng American boxer.
Sinabi ng chief trainer ni Algieri na si Tim Lane kay Victor Salazar ng The Boxing Voice na lamang na lamang ang kanyang bata at hindi aabot sa scorecards upang desisyunan ang laban.
“Chris gets warm mid fight and picks up the pace. Chris Algieri will beat Manny Pacquiao November 22nd. He most certainly has a chance of stopping Pacquiao. I don’t expect it to go the distance,” paliwanag ni Lane.
Sa 20 panalo ni Algieri ay walo lamang ang naipanalo niya na knockout, ngunit iginiit ni Lane na pumabor pa sa kanila ang hiniling na catchweight ni Pacquiao na 144 pounds imbis na 140 pounds para sa WBO light welterweight division.
“He’s [Algieri] a huge 140 pounder. His best weight is at 144 so right in between 140 and 147, which is where we’re going to meet, which is Chris’ best weight. I don’t know who chose this weight but they chose it perfectly for Chris. The catch weight played into our hands for sure,” sabi ng trainer.
Sa darating na bakbakan sa Nobyembre 23 sa Macau ay papasok ng ring si Algieri bilang underdog laban sa beterananong si Pacquiao, ngunit naniniwala ang kampo ng undefeated boxer na mananaig sila tulad nang pagpapatumba sa Rusong si Ruslan Provodnikov noong Hunyo.
“Welcome to the Chris Algieri Show. He went from 0-100 and he’s ready for Pacquiao.”
- Latest