^

PSN Palaro

Palaro babalik sa Lanao sa 2015

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Malakas ang posibilidad na makuha ng Lanao del Norte ang pangangasiwa para sa 2015 Palarong Pambansa.

Ito ay matapos humanga ang three-man inspection team mula sa Department of Education (DepED) sa ganda ng mga playing venues at billeting quarters na inihahanda ng Lanao del Norte para sa 2015 Palarong Pambansa.

Sinabi ni Technical Inspection Team member Jason Razal na ang mga pasilidad ng probinsya ay angkop sa international standards tampok ang all-weather oval track at mahabang grandstand.

Nauna nang napa­ma­ha­laan ng Lanao del Norte ang 2003 Palarong Pambansa at ang 2008 Philippine Olympic Festi­val bukod pa sa Minda­nao Friendship Games at Northern Mindanao Regional Athletic Association (NMRAA).

Ang mga sporting events na nakalatag sa 2015 Palarong Pambansa ay ang archery, arnis, athletics, badminton, baseball, basketball, boxing, chess, football, gymnastics, sepak takraw, softball, swimming, table tennis, taekwondo, tennis, volleyball, billiards, futsal, wushu at wrestling.

Maliban sa Lanao del Norte, ang iba pang Local Government Units (LGUs) na naghahangad na ma­ging host ng 2015 Palarong Pambansa ay ang Pagadian, Tagum, Koronadal, Dipolog, Butuan at Surigao.

Ang Palarong Pamban­sa ay isang annual multi-sporting event na nilalahukan ng mga student-athletes mula sa 17 rehiyon at pinapatakbo ng DepEd.

vuukle comment

ANG PALARONG PAMBAN

DEPARTMENT OF EDUCATION

FRIENDSHIP GAMES

JASON RAZAL

LANAO

LOCAL GOVERNMENT UNITS

NORTE

NORTHERN MINDANAO REGIONAL ATHLETIC ASSOCIATION

PALARONG PAMBANSA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with