^

PSN Palaro

Farenas-Pedraza fight posibleng mag-level up

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - May maliit na tsansang maitaas sa isang cham­pionship fight ang IBF super featherweight title eliminator nina Michael Farenas at Jose Pedraza sa Puerto Rico sa Nov. 14.

Sinabi ng manager ni Farenas na si Gerry Pe­ñalosa na matutupad ito kung bibitawan ni IBF champion Rances Barthelemy ng Cuba ang kanyang korona para umakyat ng weight division.

“There’s some speculation but if Barthelemy decides to vacate, we also don’t know if the IBF will automatically declare the winner of Michael’s fight against Pedraza the new champion,” wika ni Peñalosa.

Sinabi pa ni Peñalosa na mas mahirap labanan si Pedraza kumpara sa Cuban.

“I think Barthelemy is easier to beat than Pedraza,” wika ni Peñalosa.

 Ang 25-anyos na si Pedraza ay umabot sa second round ng 2008 Olympics.

Kinuha niya ang bronze medal sa World Cup sa Moscow noong 2008 at pinitas ang silver medal sa AIBA World Championships sa Milan sa sumunod na taon.

“Pedraza likes to hit and run,” ani Peñalosa. 

Ang 30-anyos na si Farenas ay No. 2 at No. 3 naman si Pedraza sa IBF.

Ang No. 1 slot ay bakante. (QHenson)

 

 

ANG NO

BARTHELEMY

FARENAS

GERRY PE

JOSE PEDRAZA

MICHAEL FARENAS

PEDRAZA

PUERTO RICO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with