Bandera na ang UST Tigers para sa overall championship
MANILA, Philippines – Limang puntos lamang ang hinahawakang bentahe ng University of Santo Tomas para muling makamit ang UAAP General Championship sa Season 77 laban sa nagdedepensang seniors titlist De La Salle sa pagtatapos ng first semester.
Nagtala ang Growling Tigers ng 152 points matapos magwagi sa women’s beach volleyball, men’s taekwondo at men’s at women’s judo.
Pumangalawa ang UST, may hawak ng pinakamaraming seniors overall crowns sa bilang na 39, sa men’s beach volleyball at inangkin ang third-placed trophies sa women’s taekwondo at poomsae at men’s swimming at table tennis.
Nasa No. 2 ang Green Archers sa kanilang 147 points makaraang walisin ang men’s at women’s table tennis titles sa first semester.
Nasa No. 3 ang University of the Philippines sa kanilang 130 points mula sa dominasyon sa women’s taekwondo at badminton at poomsae events.
Pinalakas ng kanilang pagwalis sa men’s at women’s swimming titles, pumang-apat ang Ateneo sa kanilang 114 points nang kunin ang second-placed trophies sa women’s badminton at men’s at women’s judo, habang pumangatlo ang kanilang men’s badminton team.
Nasa pang-lima ang National University, tinapos ang kanilang 60-taon na pagkauhaw sa men’s basketball crown, sa kanilang 99 points matapos magkampeon sa women’s basketball, men’s badminton at beach volleyball at may third-place finish sa men’s taekwondo.
Magsisimula ang second semester sa Nobyembre 22 sa pamamagitan ng volleyball competitions sa Mall of Asia Arena.
- Latest