^

PSN Palaro

Tutumbok sa World Pool Masters Orcollo masusubukan

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Magkakaroon ng pagkakataon si Dennis Orcollo na mahagip ang ikalawang titulo sa World Pool Masters matapos maimbitahan na sumali sa 22nd edisyon na gagawin sa Portland Centre sa Nottingham mula Nobyembre 14 hanggang 15.

Ang 16 pinaka-mahu­hu­say na bilyarista sa mundo ang magsusukatan sa tatlong araw na kompetisyon na maggagawad ng $20,000.00 gantimpala habang ang papangalawa ay may $10,000.00 premyo.

Si Orcollo ang ikalawang bilyarista ng bansa na nakapagdomina sa nasabing kompetisyon matapos pagharian ang 2010 edisyon.

Si Francisco “Django” Bustamante ang naunang nagpasikat sa Pilipinas nang kunin ang kam­peo­nato ng dalawang beses noong 1998 at 2001.

Inimbitahan rin si Bustamante pero may iba siyang pagkakaabalahan sa mga petsa ng kompetisyon.

Mabigat ang laban dahil tatlong kampeon ang magbabalik.

Si Niels Feijen ng Holland ang siyang nagdedepensang kampeon habang ang iba pang da­ting kam­peon ay sina Alex Pagula­yan ng Canada (2008), Darren Appleton ng England (2009) at Ka­rol Skowerski ng Poland (2012)

Sina US Open champion Shane Van Boening, Mika Immonen ng Finland, Thorsten Hohmann ng Germany, Karl Boyes, Mark Gray at Chris Melling ng England, Nikos Ekono­mopoulos ng Greece, Da­niele Corrieri ng Italy, James Georgiadis ng Australia, Waleed Majid ng Qatar at Wang Can ng China ang kukumpleto sa mga maglalaro.

Knockout ang format ng tagisan at si Orcollo na hindi seeded, ay magbubukas ng kampanya kontra sa third seed na si Melling.

Pakay ni Orcollo na palawigin ang $88,575.00 na kinita na sa taong ito. Siya ang nasa ikatlong puwesto sa overall money list at galing sa pangalawang puwestong pagtatapos sa US Open. (AT)

ALEX PAGULA

BUSTAMANTE

CHRIS MELLING

DARREN APPLETON

DENNIS ORCOLLO

JAMES GEORGIADIS

KARL BOYES

MARK GRAY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with