Waiters inilaglag ng Cavaliers
CLEVELAND -- Ginamit ng Cavaliers ang fourth-year contract option kay guard Dion Waiters, isang dating first-round pick na magkakaroon sana ng breakout season para sa bagong opensa ng koponan.
Inaasahang makukuha ng Cavs ang option na nagkakahalaga ng $5.1 milyon mula sa kontrata ni Waiters.
Nagposte si Waiters ng average na 15.3 point sa nakaraang season, ngunit maaaring hindi makakakuha ng open shots ngayong magkakasama na sina LeBron James, Kyrie Irving at Kevin Love sa Cleveland.
Binitawan din ng Cavaliers si forward Shane Edwards at nangangahulugan na kasama na sina point guard A.J. Price, forward Lou Amundson at undrafted rookie center Alex Kirk sa final 15-man roster.
Sa Los Angeles, pinakawalan ng Clippers si forward Joe Ingles isang buwan matapos siyang papirmahin.
Dahil dito ay bumaba sa 15 players ang roster ng Clippers.
Sa Dallas, inilaglag ng Mavericks sina center Bernard James, forward Ivan Johnson at guard Doron Lamb para makumpleto ang kanilang 15-man roster sa pagsisimula ng season.
Sa Phoenix, inalis ng Suns si center Earl Barron.
- Latest