^

PSN Palaro

PBA D-league tatalbog ngayon Warriors kikilatisan ng Bakers

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Makikilatis  ang lakas ng bagitong MP Hotel Warriors sa pagharap sa beteranong Café France Bakers sa pagsisimula ng PBA D-League Aspirants’ Cup ngayon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Ang laro ay magsisi­mula sa ganap na alas-12 ng tanghali at bago ito ay isasagawa ang makulay na opening ceremonies.

Ang Warriors ay pag-aari ni  Pambansang kamao at Kia playing coach Manny Pacquiao at pagmamasdan kung makakaya ng koponang hawak ni Arvin Bonleon na makapanggulat tulad ng ginawa ng PBA team sa pagbubukas ng Philippine Cup.

“Ang mga players namin ay sanay sa mga ligang labas. Basta kami, gagawin lamang namin ang lahat ng makakaya para makapagbigay ng magandang laban,” wika ni Bonleon.

Ang karanasan na taglay ng Bakers ang siyang sasandalan ng koponan para pasiklabin ang gagawing kampanya sa ligang nilahukan ng 12 koponan.

Magpaparamdam ang bagong bihis na Cebuana Lhuilllier Gems  sa Racal Motorsales Corp. sa ikalawang laro dakong  alas-2 ng hapon habang ang Wangs Basketball at AMA University ang magkikita sa huling laro dakong alas-4.

Determinado ang koponang pag-aari ni Jean Henri Lhuillier at hahawakan pa rin ni David Zamar na makatikim na ng titulo matapos kunin ang mga subok nang manlalaro na sina Kevin Ferrer at Allan Ma­ngahas para isama sa mga datihang sina Paul Zamar at Marcy Arellano bukod sa mga mahuhusay na collegiate players na sina orbert Torres, Almond Vosotros at Bradwyn Guinto.

 

ALLAN MA

ALMOND VOSOTROS

ANG WARRIORS

ARVIN BONLEON

BRADWYN GUINTO

CEBUANA LHUILLLIER GEMS

D-LEAGUE ASPIRANTS

DAVID ZAMAR

FRANCE BAKERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with