^

PSN Palaro

Beermen sumalo sa itaas

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ipinalasap ng San Mi­guel Beer ang ikalawang kamalasan ng nagdedepensang Purefoods mula sa kanilang 87-80 panalo para sumalo sa liderato sa 2014 PBA Philippine Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

Nakabalik sa porma ang Beermen matapos maisuko ang  19-point  lead, 56-37, sa third period para iposte ang kanilang 2-0 record at makasosyo sa unahan ang Ginebra Gin Kings.

Naglaro ang Hotshots, may 0-2 baraha, nang wala ang mga may injury na sina two-time MVP  James Yap, Marc Pingris at Ian Sangalang.

Nakabangon ang Purefoods mula sa 19-point deficit para ilapit ang laro sa 80-85 sa huling 46.1 segundo bago sinelyuhan ni Chris Lutz ang panalo ng San Miguel sa kanyang basket sa natitirang 23 segundo.

Sa unang laro, nakamit ng Globalport ang una nilang panalo matapos ilag­lag ang Barako Bull, 91-81, sa likod ng 19 points, 8 rebounds at 2 assists Stanley Pringle.

Pinamunuan ni Alex Cabagnot ang Globalport mula sa kanyang 21 mar­kers, habang may tig-12 sina Mark Isip at Yancy De Ocampo.

 

ALEX CABAGNOT

BARAKO BULL

CHRIS LUTZ

GINEBRA GIN KINGS

GLOBALPORT

IAN SANGALANG

JAMES YAP

MARC PINGRIS

MARK ISIP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with