^

PSN Palaro

Pero kayang tapatan ng lakas at bilis: Jab ni Algieri problema ni Pacquiao

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sa taas na 5-foot-10, inaasahan ni Freddie Roach, ang chief trainer ni Manny Pacquiao, na gagamitin ni Chris Algieri ang kanyang matutulis na jab.

Napanood na ni Roach ang laban ni Algieri noong Hunyo kung saan tinalo ng American ang kanyang boxer na si Ruslan Provodnikov sa pamamagitan ng split decision.

“He is a pretty good mover. He moves pretty well and he is very defensive,” sabi ni Roach kay Algieri. “He has a good jab --one of the best in the business -- and he has a good left hand. His jab is his best weapon and it is something that we have to really take care of.”

Ang jab ang ginamit ni Algieri para makabangon mula sa dalawang sunod na pagpapabagsak sa kanya ni Provodnikov sa first round para maitakas ang panalo at ang World Boxing Organization light welterweight belt.

Sinabi ni Roach na ang bilis at lakas ang itatapat ni Pacquiao sa naturang jab ni Al­gieri, walong beses pa lamang nakakapag­patumba ng kalaban sa kanyang 20-0-0 win-loss-draw ring record.

Idedepensa ni Pacquiao (56-5-2, 38 KOs) ang kanyang hawak na WBO welterweight title laban kay Algieri sa Nobyembre 22 sa The Venetian sa Macau, China.

Maglalaban sina Pacquiao at Algieri sa catchweight 144 pounds na sinasabing magbibigay ng bentahe sa Sarangani Congressman.

Para paghandaan ang 30-anyos na si Algieri ay kumuha si Roach ng mga ma­tatangkad na sparring partners para sa 35-anyos na si Pacquiao sa kanilang trai­ning camp sa General Santos City.

Ang mga ito ay sina 5’11 Viktor Postol, 5’9 Mike Jones at 5’10 Stan Martyniouk.

ALGIERI

CHRIS ALGIERI

FREDDIE ROACH

GENERAL SANTOS CITY

MIKE JONES

PACQUIAO

RUSLAN PROVODNIKOV

SARANGANI CONGRESSMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with