^

PSN Palaro

Hans Sy magpapatayo ng sports academy sa Pinas

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Mas malaking plano sa Philippine sports ang balak gawin ni Hans Sy na siyang utak sa pagbabagong anyo ng National University sa UAAP sa taong ito.

Sa panayam kay Sy na ang pamilya ay nagma-may-ari ng SM Malls sa victory party ng Bulldogs sa kanilang paaralan, sinabi ni Sy ang pangarap na ma­itayo ang isang sports academy sa bansa.

“I am just sharing with you my vision to build a sports academy because we believe it is through sports that our country can excel,” wika ni Sy.

Makakatulong din ang sports para mapaganda ang imahe ng bansa dahil isa ang palakasan para makatulong sa pag-iwas ng mga kabataan sa ipinagbabawal na gamot.

“Wala kang naririnig na sportsman na drug addict.  If you are a true sportsman, you have discipline, so talagang aangat ang citizenry at ang bansa, if we can propagate everybody in sportsmanship,” dagdag nito.

Napuno ng mga mag-aaral ang NU compound para bigyang pagpupugay ang men’s basketball team na tinapos ang 60-taong paghihintay para maulit ang kampeonato na unang nangyari noon pang 1954.

Ang men’s basketball ang ikaapat na titulo na na­panalunan sa seniors division matapos manalo sa men’s beach volley at badminton bukod sa wo­men’s basketball.

Kampeon din ang pa­aralan sa girls volleyball at Cheerdance competition para tunay na maging makinang ang 77th season sa Bulldogs. Pero hindi na rito natatapos ang pag-ani ng panalo ng NU.

“I’m looking forward to our men’s and women’s tennis, baseball and men’s volleyball. If we win in men’s tennis, it will be our third straight while our women’s is the defending champion. We are strong in softball but ang biro ko nga ay lagi kaming bridesmaid. But I’m sure they are going  to give it their best shot,” ani pa ni Sy. (ATan)

BUT I

CHEERDANCE

HANS SY

KAMPEON

MAKAKATULONG

MEN

NAPUNO

NATIONAL UNIVERSITY

SY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with