^

PSN Palaro

Pacquiao may rematch kay Algieri

ACordero - Pilipino Star Ngayon

LOS ANGELES – Tini­yak ni Bob Arum ang ka­pakanan ni Manny Pacquiao anuman ang mangyari sa Macau.

Sinabi ng Top Rank big boss na tiniyak niyang may rematch clause sa fight contract ni Pacquiao para sa kanyang pagsagupa kay undefeated Chris Algieri sa Nov. 23 sa The Venetian Hotel.

“Manny’s fight is also a dangerous fight. Algieri is a determined guy. He’s very, very smart,” sabi ni Arum, nasa Carson, California para sa nakaraang laban nina Nonito Donaire Jr. at Nicholas Walters.

“He’s a terrific boxer,” dagdag ni Arum kay Algieri.

Bago ang Donaire fight sa StubHub Center noong Linggo kung saan nanalo si Walters, sinabi ng legen­dary promoter na magagamit lamang ang rematch clause para kay Pacquiao kung mananalo si Algieri.

“Yes, there is,” wika ni Arum. “I put a rematch clause that if Algieri wins I could force a rematch.”

“That’s if Manny is wil­ling to do it,” dagdag pa nito.

Idinagdag pa ni Arum na walang garantiya kung mananalo si Pacquiao anuman ang sabihin ng mga oddsmakers na naglagay sa tubong Huntington bilang underdog.

Sinabi ni Arum na hindi isang pipitsuging boksi­ngero si Algieri.

“He doesn’t get discou­raged as he proved in the (Ruslan) Provodnikov fight,” ani Arum, umalis sa Los Angeles noong Lunes ng gabi para bisitahin si Pacquiao sa Pilipinas at sa Biyernes ay magdaraos siya ng media  day sa Ge­neral Santos City.

Ginulat ni Algieri si Provodnikov noong Hunyo para makatapat si Pacquiao.

Base sa original plan, isang grupo ng Chinese mediamen ang magtutu­ngo sa Manila para makaharap si Pacquiao isang buwan bago lumaban ang Filipino boxing icon. Ngunit hindi makakara­ting ang mga Chinese.

vuukle comment

ALGIERI

ARUM

BOB ARUM

CHRIS ALGIERI

LOS ANGELES

NICHOLAS WALTERS

PACQUIAO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with