^

PSN Palaro

Konstitusyon ng PVF inaayos na

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi hahayaan ng Phi­lippine Volleyball Federation (PVF) na masayang ang magandang pangyayari na nagaganap sa team sport na ito.

Ang problema sa re­kog­nisyon mula sa Philippine Olympic Committee (POC) ang siyang aatupagin ng PVF para makakuha rin ng suporta sa Philippine Sports Commission (PSC).

Isang General Assembly meeting ang magaga­nap sa asosasyon sa buwan ng Nobyembre para maisaayos ang kanilang Constitution at By-Laws na magreresulta para mai­daos ang halalan.

“Tentative ay sa last Friday ng November gagawin ang GA at lahat ng mga stakeholders ay pagsasama-samahin namin para mapag-usapan ang aming By Laws. Iyon ang gusto ng POC at sisikapin naming gawin ito para maayos na ang lahat,” pahayag ni PVF secretary general Rustico Camangian.

Iimbitahan din ng PVF ang kinatawan ng POC sa kanilang pagpupulong para maging maayos ang proseso.

“Kapag naayos na ang Constitution, ang eleksyon ay gagawin early next year,” dagdag pa ni Camangian.

Malaki ang senyales na babangon na ang volleyball ng bansa matapos ang makasaysayang paglalaro ng National U17 girls volleyball team sa 10th Asian Youth Volleyball Championship sa Nakhon Ratchasima, Thailand.

Nagtala ng apat na pa­nalo ang koponan at tumapos sa ika-pitong puwesto na pinakamaganda sa ka­saysayan ng paglahok ng PVF.

Bumuo na rin ang PVF ng ma­lakas na men’s at women’s National teams na suportado ng PLDT HOME Fibr na huhugutin para sa 2015 SEA Games sa Singapore.

 

vuukle comment

ASIAN YOUTH VOLLEYBALL CHAMPIONSHIP

BY LAWS

ISANG GENERAL ASSEMBLY

NAKHON RATCHASIMA

PARA

PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

RUSTICO CAMANGIAN

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with