^

PSN Palaro

PBA Philippine Cup didribol ngayon sa Philippine Arena Kia Motors, Blackwater agawan sa unang panalo

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon (Philippine Arena, Bocaue, Bulacan)

3 p.m. Kia vs Blackwater

5:15 Ginebra vs Talk ‘N Text

MANILA, Philippines - Kaagad na mag-uuna­han para sa kanilang u­nang panalo ang Barangay Ginebra at Talk ‘N Text, habang magkakasubukan naman ang Kia Motors at ang Blackwater para sa pagbubukas ng 40th season ng PBA sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

Maghaharap ang Gin Kings at ang Tropang Texters ngayong alas-5:15 ng hapon matapos ang salpukan ng Sorentos at Elite sa alas-3:15 sa pagsisimula ng PBA Philippine Cup.

Inaabangan ng mga basketball fans kung ano ang maipapakita ni Filipino world eight-division cham­pion Manny Pacquiao bilang playing coach ng Kia.

Kinumpirma kamakalawa ni team manager Eric Pineda ang paglalaro ng 5-foot-6 at 35-anyos na si Pacquiao para sa kanyang debut game.

Ayon kay Pineda, pinayagan ni chief trainer Freddie Roach si ‘Pacman’ na maglaro ng ilang minuto at binilinan na magdahan-dahan sa pagsalaksak para makaiwas sa anumang dis­grasya.

Pinaghahandaan ni Pacquiao ang kanyang pag­dedepensa sa suot na World Boxing Organization (WBO) welterweight crown laban kay American challenger Chris Algieri sa Nobyembre 22 sa The Venetian sa Macau, China.

Matapos ang kanilang laro ng Blackwater ay ka­agad na babalik si Pacquiao sa General Santos City para ipagpatuloy ang kanilang ensayo ni Roach.

Makakatuwang ni Pacquiao sa bench ng Sorentos si assistant coach Glenn Capacio.

Sina dating PBA top draft pick at Rookie of the Year Rich Alvarez, Hans Thiele, LA Revilla, Richard Alonzo, Rudy Lingganay, Reil Cervantes at Michael Burtscher ang ipaparada ng Kia bukod pa kina roo­kies Kenneth Ighalo, Eder Saldua, Josh Webb, Paul Sanga, Alvin Padilla at Angelus Raymundo.

ALVIN PADILLA

ANGELUS RAYMUNDO

BARANGAY GINEBRA

BOCAUE

BULACAN

KIA

N TEXT

PACQUIAO

PHILIPPINE ARENA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with