Suns tinusta ang Spurs
PHOENIX --Tumipa si Goran Dragic ng 20 points para pagbidahan ang Phoenix Suns sa 121-90 panalo laban sa San Antonio Spurs sa isang exhibition game.
Naglaro ang Spurs na wala ang kanilang limang top players kasama si coach Gregg Popovich.
Hindi bumiyahe sina Popovich, Tim Duncan at Manu Ginobili sa Phoenix para makapagpahinga matapos ang exhibition games ng Spurs sa Turkey at Germany noong nakaraang linggo.
Si assistant coach Ettore Messina ang humawak sa Spurs. Sina Kawhi Leonard (right eye infection), Tiago Splitter (calf strain) at Patty Mills (shoulder) ay hindi rin naglaro para sa San Antonio.
Sa Anaheim, California, kumamada si Gordon Hayward ng 16 points para pamunuan ang Utah Jazz sa 119-86 pananaig sa Los Angeles Lakers sa isang preseason game.
Nagposte si Kobe Bryant ng 27 points mula sa 10 for 23 sa loob ng 28 minuto para sa Lakers (1-3).
Nag-ambag naman si Carlos Boozer ng 17 points habang si Jordan Hill ay may 12 points.
Naglaro ang Los Angeles na wala ang 40-anyos na si Steve Nash matapos sumakit ang likod dahil sa pagdadala ng mga bag noong Miyerkules sa kanyang tahanan sa Manhattan Beach.
Sa iba pang laro, pinayuko ng Boston ang Philadelphia, 111-91; ginulat ng New Orleans ang Oklahoma City, 120-86 at tinakasan ng Chicago ang Atlanta, 85-84.
- Latest