^

PSN Palaro

SBP tuloy sa pagbi-bid sa hosting ng 2019 FIBA World Cup

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pondong P1.5 bilyon ang kakailanganin para maidaos ang 2019 FIBA World Cup sa Pilipinas.

Ngunit sa kabila nito, seryoso pa rin ang Samahang Basketbol ng Pilipinas sa kanilang hosting bid.

Sinabi ni SBP deputy executive director for external affairs Butch Antonio na kung sa Pilipinas ibibigay ang hosting rights ay dapat magtulungan ang public at private sectors para ito maging matagumpay. 

Kamakailan ay dumalo sina SBP executive director Sonny Barrios, Antonio at logistics director Andrew Teh sa isang two-day seminar sa Madrid kung saan pinaliwanagan ni FIBA director of events Predrag Bogosavljev, isang Serbian, ang mga partisipante sa pre-qualifying conditions para mag-bid.

Tanging ang Pilipinas at Brazil pa lamang ang nagkumpirma ng kanilang pagbi-bid.

Ngunit sa Madrid, mara­ming bansa ang dumalo sa seminar, kasama rito ang China, Germany, France, Russia at Lithuania.

Ang deadline para sa mga bidders para magsumite ng kanilang apli­kasyon ay sa katapusan ng Oktubre.

Sa susunod na buwan ay ihahayag ng FIBA ang short list ng mga candidate nations. Isang workshop ang idaraos para sa mga bidders sa Geneva sa Dis­yembre.

Bibisitahin ng mga FIBA officials ang mga bidding countries para magsasagawa ng inspeksyon sa Enero at Pebrero sa susunod na taon.

Si SBP president Manny V. Pangilinan ay isa sa 26 members ng Central Board.

Para ipormalisa ang ka­nilang bid, ang isang bansa ay dapat magba­yad ng application fee ng 50,000 Euros o P2.9 milyon sa FIBA.

ANDREW TEH

BUTCH ANTONIO

CENTRAL BOARD

MANNY V

NGUNIT

PARA

PILIPINAS

PREDRAG BOGOSAVLJEV

SAMAHANG BASKETBOL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with