Pinas mapapalaban sa Korea
MANILA, Philippines - Dehado man ay asahan na gagawin ng National U-17 girls volleyball team ang lahat ng makakaya sa pagbangga sa South Korea sa 10th Asian Youth Girls Volleyball Championship semifinals ngayon sa MCC Hall Convention Center, Nakhon, Ratchasima, Thailand.
Ang laro ay magsisimula sa alas-7 ng gabi sa Pilipinas at ang mananalo ang siyang papasok sa semifinals.
Tinalo ng Pambansang koponan ang New Zealand, 25-11, 21-25, 25-5, 25-14, para tumapos sa ikatlong puwesto sa Pool E kasunod ng Thailand at China.
Ito ang ikaapat na pagkikita ng dalawang bansa at hindi pa nakakatikim ng set win ang Pilipinas.
Ang bagay na ito ay puwedeng mabago lalo pa’t determinado ang koponang hawak ni Jerry Yee na maipagpatuloy ang magandang ipinakikita sa liga.
Nagwagi rin sa Australia at India, ang Pilipinas ay may pinakamaraming panalo na naitala sa anim na pagsali sa liga para maiparamdam na unti-unti ang pag-angat ng Pinas kung sa Asian level ang pag-uusapan.
- Latest