^

PSN Palaro

National athletes ‘di sasali sa 2015 PNG

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dahil  may pinaghahandaang SEA Games sa Singapore kaya’t hindi makakasali ang mga national athletes sa gaganaping 2015 Philippine National Games (PNG).

Pero hindi mangangahulugan na mawawalan ng saysay ang PNG dahil gagamitin ito para tumuklas pa ng mga bagong mukha para sa mas pinalaking 2016 edisyon.

Sa plano ng PSC na ipinaalam sa mga National Sports Associations sa isang pagpupulong kaha­pon, magkakaroon ng limang regional games na iikot sa NCR,  Northern Luzon, Southern Tagalog, Visayas at Mindanao.

Bukod sa pagtuklas ng bagong mukha, magagamit din ng ibang NSAs na hindi pa popular na maipa­kilala ang kanilang sports disciplines sa probinsiya.

“Gold and silver me­dalists in the five regional games will be provided by PSC with free transportation to compete in the 2016 PNG. They will be facing members of the national athletes making the 2016 Games truly a battle between the best-of-the-best athletes,” wika ni PSC commissioner-in-charge Jolly Gomez.

Bagama’t magkatulad ang format ng PNG at Batang Pinoy, nilinaw ni Gomez na hindi magsa­sa­pawan ang dalawang grassroots program dahil ang Batang Pinoy ay para sa mga atletang edad 15-anyos pababa habang ang PNG ay para sa 16-anyos pataas.

Ang regional games ay nakakalendaryo mula Hulyo hanggang Disyembre dahil nakareserba ang Enero hanggang Mayo para sa mga clinics ng mga NSAs upang maihanda ang mga atletang nais na sumali sa kompetisyon.

Ang PNG ay isa sa grassroots program sa bansa na umaani ng mainit na suporta sa mga atleta at mga Local Government Units (LGUs). (AT)

 

BAGAMA

BATANG PINOY

JOLLY GOMEZ

LOCAL GOVERNMENT UNITS

NATIONAL SPORTS ASSOCIATIONS

NORTHERN LUZON

PHILIPPINE NATIONAL GAMES

SOUTHERN TAGALOG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with