Phl Jr. NBA/Jr. WNBA dumating na sa Beijing
BEIJING, China – Noong 2007, sinimulan ang Jr. NBA program sa Pilipinas kung saan ang pangunahing hangarin ay hindi lamang ang pagbabahagi ng kaalaman sa NBA kundi pati ang pagdaraos ng mga training camps para sa mga kabataan at bagong coaches.
Matapos ang pitong taon, inampon na ng Southeast Asia ang Jr. NBA program.
Isa-isa nang dumating ang mga delegasyon ng Thailand, Vietnam, Malaysia at Indonesia rito sa Chinese capital bago makasama ang 19-man Phl delegation sa grupo para sa pagsisimula ng programa ng mga batang nagmula sa mga Jr. NBA/Jr. WNBA national training camps.
Higit sa 50 kids na may edad na 13 hanggang 14 -anyos ang nakasama sa programa kasama ang Pilipinas.
Ang mga ito ay sina Jethro Rocamora ng First Baptist Christian School, Andrew Vincent Velasco ng Ateneo de Cebu, SJ Belangel ng Taytung, Vince Leo Dolendo at David Leonardo Umadhay ng Huasiong College, Rhayyan Amsali ng Nazareth School, Paul Matthew Manalang ng NU at Jan Cyril Narvasa ng UST at Luigi Miguel Velasco ng La Salle-Greenhills na nasa boys team.
Sina Arielle Marie Lanot ng La Salle-Zobel, Kreecie Bettina Binaohan at Roxanne Salvador ng Perpetual Help, Karl Ann Pingol ng Pototan School sa Iloilo at Mary Jean Pascua ng University of Southern Philippines sa Cebu.
Ang bawat bansa ay nagpadala ng kanilang mga top male at female coaches.
- Latest