Hapee dumaan sa tamang proseso para makuha si Newsome sa D-League
MANILA, Philippines – Dumaan sa tamang proseso ang pagkuha ng Hapee Toothpaste sa serbisyo ni Ateneo guard Chris Newsome para sa PBA D-League Aspirants’ Cup.
Ito ang sinabi ng manager ng Fil-Am na si Charlie Dy para pabulaanan ang akusasyon ni Tanduay coach Lawrence Chongson na nagtago si Newsome matapos kunin ng koponan bilang No. 2 pick kaya’t hindi nabigyan ng offer sa five-day grace period.
Ayon kay Dy, kahit ang team manager ng Tanduay na si Jean Alabanza na sumusuporta rin sa Ateneo ay hindi kumilos para magbigay ng offer kay Newsome.
Si Newsome ay kinuha ng Hapee matapos mapaso ang grace period para bigyan ng offer ng isang koponan ang manlalarong pinili sa isinagawang Rookie Draft.
“Chris never hide. He’s very easy to locate,” wika ni Dy sa kanyang twitter kahapon.
Naghahabol si Chongson dahil lalabas na sinayang nila ang No. 2 pick bunga ng kawalan ng kapalit sa pagsungkit ng Hapee.
Sinabi naman ng team manager ng Hapee na si Bernard Yang na wala silang nilabag sa proseso at handang harapin ang anumang imbestigasyon.
- Latest