^

PSN Palaro

Pinay belles pasok sa quarters ng Asian Youth

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Ginamit ng National Under 17 girls volleyball team ang unang set para makita ang laro ng India bago itinatak ang kanilang marka pa­­tungo sa 19-25, 25-11, 25-20, 25-22 panalo sa 10th Asian Youth Girls Volleyball Championship kahapon sa MCC Hall Convention Center sa Nakhon Ratchasima, Thailand.

Ito ang ikalawang sunod na panalo ng koponang ini­lahok ng Philippine Volley­ball Federation (PVF) matapos ang makasaysa­yang pa­nalo sa Australia.

Matatapos ngayon ang preliminary round at kalaban ng Pilipinas ang second seed na China para sa pa­ngunguna sa Pool C.

Sa 2-0 marka, ang Pilipi­nas ay nakapasok na sa quar­terfinals at ang dalawang panalo ang pinakama­rami sa kasaysayan ng pag­sali sa nasabing kompe­tisyon na inorganisa ng Asian Volleyball Confederation (AVC).

Ito na ang ikaanim na pag­kakataon sa 10 edisyon na sumali ang Pilipinas at isang panalo pa laman ang naitatala ng bansa bago ang edisyong ito na nangyari no­ong 2008 sa Manila.

Dehado ang Pilipinas sa India dahil tumapos ito sa  pang-anim na puwesto sa hu­ling edisyon.

Pero wala silang naipantapat sa quick plays at lakas sa pag-atake ng national pla­yers para sa nakakagulat na malakas na panimula sa torneo.

Kahit nangapa sa mga da­ting paglahok ay hindi na­wala ang Pilipinas sa top eight kaya’t malaki ang po­sibilidad na mangyayari ang best finish sa taong ito.

ASIAN VOLLEYBALL CONFEDERATION

ASIAN YOUTH GIRLS VOLLEYBALL CHAMPIONSHIP

HALL CONVENTION CENTER

NAKHON RATCHASIMA

NATIONAL UNDER

PHILIPPINE VOLLEY

PILIPINAS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
10 hours ago
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with