Mexican champ gustong subukan si Donaire
MANILA, Philippines – Matapos makopo ang WBC featherweight title, hinamon kaagad ng Mexicanong si Jhonny Gonzales ang WBA featherweight champion na si Nonito Donaire Jr.
“I would like to fight [Donaire],” wika ni Gonzales matapos manaig nitong Oktubre 4 kontra kay Jorge Arce sa 11th round technical knockout win niya.
Nakilala ang 33-anyos na si Gonzales noong 2007 matapos siyang maagawan ni Gerry Penalaso ng WBO bantamweight crown.
Samantala, hindi pa ito napag-uusapan sa kampo ni Donaire dahil may nakatakda siyang laban sa Oktubre 18 laban sa kapwa champion na si Nicholas Waters.
Malaki ang tsansang makalaban ni Donaire si Gonzales dahil matagal nang nais ng Pinoy na magkaroo ng unification bout sa mga featherweight.
- Latest