^

PSN Palaro

Shakey’s V-League Season 11: Meralco, FEU iiwas

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Iiwas ang Meralco Po-wer Spikers at FEU Tamaraws na malagay sa huling puwesto sa nilalaruang di­­bisyon sa pagpapatuloy ngayon ng Shakey’s V-Lea­gue Season 11 Fo­reign Reinforced Confe­rence sa The Arena sa San Juan City.

Ang Power Spikers ay masusukat uli sa debutanteng PLDT Home Telpad Turbo Boosters sa wo­men’s division na mapapa­nood dakong alas-6 ng gabi.

Unang sasalang ang Tamaraws laban sa gaya nilang collegiate team na Rizal Technological  Univer­sity Blue Thunder sa men’s division sa ganap na alas-4 ng hapon.

Double-round robin ang elimination round ngunit ang mangungunang dalawang koponan matapos ang yugto ang siyang mag­l­alaban sa kampeonato ng liga kaya’t kailangang pu­mukpok agad ang Meralco at FEU.

Ang Army Lady Troo­pers ang namamayagpag sa kababaihan sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s sa 2-0 baraha.

Unang bumagsak sa Lady Troopers ay ang Po­wer Spikers sa 19-25, 18-25, 18-25, bago ito sinun­dan ng Army ng 17-25, 25-17, 17-25, 25-21, 15-13, panalo sa Cagayan Valley Lady Rising Suns.

Sina Abby Maraño, Stephanie Mercado, Maica Morada, Maureen Pe­netrante-Ouano at import Misao Tanyama ang mga magtutulung-tulong para hindi lumasap ng ikalawang sunod na pagkatalo.

Dalawang imports ang nasa koponan ng Meralco pero si Wanida Kotruang ay hindi pa nakakalaro dahil hindi pa niya naisusumite ang International Transfer Certificates na hinihingi ng FIVB sa mga dayuhang man­lalaro na kasali sa isang liga.

vuukle comment

ANG ARMY LADY TROO

ANG POWER SPIKERS

BLUE THUNDER

CAGAYAN VALLEY LADY RISING SUNS

HOME TELPAD TURBO BOOSTERS

INTERNATIONAL TRANSFER CERTIFICATES

LADY TROOPERS

MAICA MORADA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with