^

PSN Palaro

CEU nagreyna sa 45th WNCAA

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sinikwat ng Centro Es­colar University ang ka­nilang pang-apat na dikit na women’s title via two-game sweep sa 45th WNCAA bas­ketball tournament sa Ri­zal Memorial Coliseum no­ong Linggo.

Pinayukod ng CEU ang Ri­zal Technological Univer­sity, 64-62, kung saan na­ka­­mit ni star player Janine Pon­tejos ang kanyang ikat­long sunod na Most Valua­ble Player award.

Nauna nang inangkin ng Lady Scorpions ang Game 1 mula sa kanilang 66-56 panalo noong Set­yembre 28.

Pumangatlo ang San Be­da College-Alabang matapos tapusin ang elimination round sa 4-2 at natalo sa RTU sa semifinals, 77-57.

Lumapit naman sa pagkopo sa titulo ang De La Salle Zobel at ang Chiang Kai Shek sa kanilang mga dibisyon.

Ito ay matapos igupo ng nagdedepensang DLSZ ang St. Stephen’s High School, 41-17, sa midget class at dinaig ng nagta­tanggol sa titulong CKSC ang host La Salle College An­tipolo, 54-50, sa ligang su­portado ng Mikasa, Molten, OneA Bed and Breakfast, Goody, Monster Radio RX 93.1 at AksyonTV.

BED AND BREAKFAST

CENTRO ES

CHIANG KAI SHEK

DE LA SALLE ZOBEL

HIGH SCHOOL

JANINE PON

LA SALLE COLLEGE AN

LADY SCORPIONS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with