^

PSN Palaro

Comendador, Sorongon kampeon sa Tagbilaran leg ng MILO Marathon

Pilipino Star Ngayon

TAGBILARAN City, Philippines – Pinamunuan nina Emmanuel Co­mendador at Ruffa Sorongon ang labanan sa 21-kilometer event sa qualifying race ng National MILO Ma­rathon kahapon dito sa Tagbilaran, Bohol.

Nagsumite si Comendaro ng tiyempong 01:16:00. pa­ra ungusan sina Elmer Bartolo (01:17:00) at Azlan Pa­gay (01:17:00).

Ito ang ikalawang pagkakataon na sumali ang 25-anyos na Marine Engineering student ng Philippine Ma­rine Institute sa naturang marathon event mula sa panghihikayat ni coach Jojo Posadas.

Naorasan naman si Sorongon ng 01:33:48 para ta­lunin sina Jennifer Sabella (01:49:08) at Rhodora Oporto (01:50:06).

Tatlong taon nang tumatakbo ang 23-anyos na tu­bong South Cotabato na si Sorongon.

Dahil sa kanilang mga tagumpay ay nakamit nina Co­­mendador at Sorongon ang premyong P10,000 at ti­­ket para sa MILO National Finals na nakatakda sa Dis­yembre 7 sa Mall of Asia grounds sa Pasay City.

Nagkakaroon din sila ng tsansang tanghaling MILO Ma­rathon King at Queen.

Ipapadala ng MILO ang hihiranging King at Queen sa Japan para sa isang all-expense paid trip sa 2015 Tok­yo Marathon.

AZLAN PA

ELMER BARTOLO

EMMANUEL CO

JENNIFER SABELLA

JOJO POSADAS

MALL OF ASIA

MARINE ENGINEERING

NATIONAL FINALS

SHY

SORONGON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with